Salceda humingi ng pasensya sa bigong pagkuha sa Cessna crash victims

Salceda humingi ng pasensya sa bigong pagkuha sa Cessna crash victims

February 24, 2023 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – ‘Pasensya na po’

Ito ang bahagi ng emosyonal na Facebook post ni Albay Rep. Joey Salceda kung saan humingi ito ng paumanhin sa bigong retrieval operations bagamat siya mismo ay makapagpapatunay sa dedikasyon ng responding tean.

“The hardest is the weather condition most of the time zero visibility. Pasensya na po kung di nakuha kahapon, may mga bagay-bagay na it’s beyond their control hopefully ‘di na mag-zero visibility para makuha na ho sila at maibalik,” saad sa post ni Salceda.

“We cannot question the dedication and determination of our responders. Sadyang highly technical rescue services lang itong incident case na ito,” dagdag pa nito.

Ang Albay na madalas tamaan ng kalamidad pangunahin na ang pagputok ng Mayon Volcano ay kilala sa kanilang kagalingan pagdating sa rescue and response operations. Gail Mendoza