Salceda muling hinirang na Int’l Affairs Advisor ng Incheon, SoKor

Salceda muling hinirang na Int’l Affairs Advisor ng Incheon, SoKor

December 9, 2021 @ 3:58 PM 10 months ago


LEGAZPI CITY – Muling hinirang ng Incheon Metropolitan City, ng South Korea, si Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda bilang tagapayo o ‘Advisor for International Affairs’ na hawak niya mula pa noong 2009 nang gobernador pa siya.

Nilagdaan ni Incheon Mayor Park Nam-choon nitong nakaraang Nobiyembre 28, ang paghirang sa kanya na mananatili hanggang Nobyembre 27, 2023. Unang hinirang si Salceda bilang tagapayo sa ilalim ng ‘Albay-Incheon sisterhood pact’ na binalangkas sa ginanap na ‘Incheon Sister Cities Conference sa naturang taon na nagsulong sa matibay na pang-ekonomiyang ugnayan ng Incheon Metropolitan City at Albay.

Pinagtibay nito ang kooperasyon sa pamumuhunan at kalakalan sa pagitan nila na nagsimula noon pang 2007. Pinasalamatan ni Salceda, na siyang chairman ng House Ways and Means Committee, si Incheon Mayor Park Nam-choon at Incheon Metropolitan Authority sa patuloy na tiwala sa kanya sa nakalipas na 11 taon. Ipinahayag din niyang patuloy na susulong ang paglago ng magkabilang panig sa ilalim ng kanilang pagtutulungan.

Sinimulan ni Salceda ang ugnayan sa Incheon noong 2007 pa bago siya hinirang bilang ‘International Economic Advisor of Incheon Metropolitan Authority.

Pinarangalan ng Department of Interior and Local Government ang Albay noong 2013 bilang “Best Province in local governance.” Umani ito ng pagkilala sa “Best education program” kaugnay ng ‘Albay Higher Education Contribution Scheme — Education Quality for Albayanos,’ libreng twisyon sa mga ‘community colleges’ at mga sangay ng Bicol University.

‘Brilliant Young Teachers, National Achievement Test’ matapos tumaas ito mula sa pang-19 na pwesto mula pang-177, Bakas Parangal ng Kabayanihan, bilang tanging lalawigang may sariling ‘Provincial Education Department, Graduate Studies Subsidy Program,’ at modernisasyon ng Bicol University at malawakang pagsasanay sa ilalim ng Technical Educational and Skills Development Authority.

Sa patnubay ni Salceda, umani ng malawakang pagkilala ang Albay sa ‘Disaster Risk Reduction-Climate Change Adaptation (zero casualty, preemptive evacuation, Community-based Disaster Risk Management, Climate Change Academy; Albay Provincial Safety Emergency Management Office (Apsemo) na nagbuslo ng tatlong magkakasunod na ‘Kalasag Awards’ para sa lalawigan, Legazpi City at bayan ng Sto. Domingo na lahay ay nasa ‘Hall of Fame’ na ng parangal; isang Galing Pook Award para sa Apsemo at katulad na mga parangal para sa ‘Team Albay Humanitarian Disaster Response, and Albay Health Emergency Management o AHEM.

Kasama rin sa mga natatanging parangal kay Salceda ang bilang ‘UN Senior Global Champion in DRR-CCA;’ kauna-unahang Asianong naging ‘UN Green Climate Fund co-chairman’ na nakalikom ng $13 bilyong para sa ‘climate change adaptation and mitigation;’ pangkalusugang parangal gaya ng MDG, Galing Pook Award, at Manuel L Quezon Award mula sa DOH, ang ‘BHW empowerment,’ ang modernisasyon ng BRTTH at pagpalaki ng kapasidad nito sa ‘600-bed capacity’ kasabay ng pagtatag ng ‘Bicol Heart Center, ER Trauma, and Bicol Cancer Institute.’

Sa larangan naman ng pang-ekonomiyang pagsulong, kay Salceda rin ibinibigay ang kredito ng ‘spatial development’ ng Guinobatan-Camalig-Daraga-Legazpi economic platform, Albay-Masbate-Sorsogon Tourism Alliance, Bicol International Airport, 4-Island Summit, Daraga 4-Quadrant Suburban Development, Mayon Southeast Quadrant,’ pagkonkreto ng Camalig Bypass Road at Duterte Bypass Road, mahahalagang kaganapan sa turismo, sining, kultura at pamanang lahi, at paglago ng turismo kung saan lumobo ang bilang ng mga sa 1,616,056 mula sa 133,440 lamang, at ang pagkakapili sa Albay bilang ‘Philippine Tourism Star’ o Bituin ng Turismo noong Pebrero 2015.

Ang mga karangalang nabanggit ay iniuugnay ng marami sa masigasig na pagsulong ni Salceda sa klasikong “Magayon Arts/Culture-based Festival, Karangahan Festival, Culinaria Albay,” suporta sa mga piyesya ng mga bayan-bayan, pagsilbi bilang ‘host’ o punong-abala ng ‘PATA International Convention, WTO and APEC summits,’ at iba pang matataas na antas ng mga pagpupulong ng NAITAS at Philtoa, at ang pagbubukas ng makabagong Bicol International Airport.

Kasama rin sa iba pang pinag-anihan ng mga karangalan ng Albay ang pagdalaw sa lalawigan ng Reyna ng Espanya noong 2015; ang ginanap na Palarong Pambansa doon pagkatapos ng 45 taon; ang mga karangalang Albay Poet Laureate at Albay Pageant Academy honors; ang UNESCO Albay Biosphere award dahil sa napalawak nitong kagubatan sa 88,000 ektarya mula 25,000 ektarya lamang; ang pinalaking ‘mangrove forest’ nito sa 2,400 ektarya mula sa 800 ektarya lamang sa lalong nagpasigla diumano sa ‘Blue Economy’ ng lalawigan.

Nakatulong din diumano sa pagsulong ng Albay ang pinasimulan ni Salceda at patuloy na itinutulak na ‘Albay Integrated Comprehensive Advanced Strategy for Agriculture (AICASA) program’ na napalaki na ang napapatubigang mga bukid sa 24,000 ektarya na mula 18,000 ektarya lamang.

Naka-11 taon nang ‘Foreign Advisor on International Affairs’ ng Incheon si Salceda na sumasaklaw ng limang termino gaya ng mga sumusunod: ‘1st term, 2009-2011; 2nd term, 2011-2013; 3rd term, 2013-2015, 4th term, 2015-2017; 5th term, 2019-2021;’ Sa 2023 magtatapos ang kanyang 6th term. RNT