Cagayan ginising ng magnitude 6 na lindol

July 1, 2022 @10:10 AM
Views:
3
MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude-6 na lindol ang lalawigan ng Cagayan, Biyernes ng madaling araw.
Ang pagyanig, na tectonic ang pinagmulan, ay tumama sa 27 km timog-silangan ng Dalupiri Island sa Calayan bandang 2:40 a.m.
Tumama ito sa lalim na 27 km.
Inaasahan ang mga aftershocks, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naiulat ang Intensity V sa Aparri at Calayan sa Cagayan, at sa Flora, Apayao.
Intensity IV naman ang naitala sa Peñablanca at Tugegarao City, Cagayan, habang Intensity III naman sa Vigan City at Sinait, Ilocos Sur.
Ang mga sumusunod na instrumental intensity ay naitala din sa:
Intensity V – Claveria, Cagayan
Intensity IV – Laoag City at Pasuquin, Ilocos Norte; Gonzaga at Penablanca, Cagayan
Intensity III – Vigan City at Sinait, Ilocos Sur; Ilagan, Isabela
Intensity II – Tabuk, Kalinga
Intensity I – Baler, Aurora; Santiago City, Isabela; Dagupan City, Pangasinan
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Pacific “Ring of Fire,” isang arko ng matinding aktibidad ng seismic na umaabot mula sa Japan hanggang sa Southeast Asia at sa buong Pacific basin. RNT
Joma nagparamdam ng peace talks kay PBBM

July 1, 2022 @9:55 AM
Views:
11
MANILA, Philippines – Bukas ang Communist Party of the Philippines (CPP) na magdaos ng usapang pangkapayapaan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“NDFP (National Democratic Front of the Philippines) is always open to peace negotiations with the GRP (Government of the Republic of the Philippines) whoever is president. It was (former Pres. Rodrigo) Duterte who terminated the peace negotiations in 2017. But if the incoming Marcos administration is willing to talk, why not?” ayon kay CPP founding chairman Jose Ma. Sison sa isinagawang paglulunsad ng kanyang libro, araw ng Martes.
Gayunman, sinabi ni Sison, ang usapang pangkapayapaan ay hindi magpapatuloy hangga’t ipinatutupad ng pamahalaan ang “all-out war” policy laban sa grupong komunista.
“Right now, there are no indications that Marcos would like peace talks. Resuming peace negotiations is quite easy by simply reaffirming the agreements that were previously agreed upon and signed by the two parties in the negotiations,” dagdag na pahayag ni Sison.
Inalala pa ni Sison na noong rehimeng Marcos, ama ni Pangulong Marcos Jr., namuno sa bansa ng 21 taon mula 1965 hanggang 1986, nang magsimulang lumaki ang communist movement at nagpatuloy na lumawak ng sumunod na administrasyon.
“Each of the post-Marcos regimes from Aquino to Duterte had the uniform objective of using the peace negotiations only for a few months and not for more than a year, as a means of lip service to the cause of peace, carrying out military surveillance, preserving the exploitative and oppressive ruling system and trying to maneuver the NDFP into a position of capitulation,” giit ni Sison.
Nauna nang sinabi ni National Security Adviser Clarita Carlos na inaasahan na niya na hindi maisusulong ang peace talks sa communist rebels sa ilalim ng bagong Marcos administration.
Hindi na makikipag-usap ang pamahalaan sa komunistang grupong National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi na niya itutulak ang muling pakikipag-usap sa mga rebelde dahil sa “lack of accountability” mula sa mga ito (rebelde) para sa krimen na kanilang ginawa. Kris Jose
Bomb courier patay sa engkwentro

July 1, 2022 @9:40 AM
Views:
12
LAMITAN CITY, Basilan –PATAY ang isang bomb courier na dating miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos umanong makipagbarilan sa tropa ng pamahalaan Huwebes sa lungsod na ito.
Kinilala ni Brigadier Gen. Domingo Gobway, Joint Task Force (JTF)-Basilan commander, ang suspek na si Adil Akarab, ng Barangay Sabong, Lamitan City.
Ayon kay Gobway, nakatanggap ng impormasyon ang militar na may dalawang armadong kalalakihan na may mga bitbit na bomba at armas na dadalhin sa Tipo-Tipo City.
Agad naman nagsagawa ng checkpoint ang tropa ng pamahalaan sa mga posibleng dadaanan ng mga suspek at nakorner ang mga ito.
Sa halip na huminto ang mga ito agad na pinaputukan ang mga sundalo na nauwi sa barilan at tinamaan si Akarab na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Mabilis naman nakatakas ang isa pang suspek sakay ng motorsiklo.
Nakuha mula kay Akarab ang isang sako na ang laman ay bomba at M-16 Armalite rifle na may mga bala.
Sinabi naman ni Lt. Col. Cyril Santander, 18th Infantry Battalion commander, na plano ng grupo ni Akarab na pasabugin ang selebrasyon ng “Lami-Lamihan” sa nasabing lungsod.
Itinurn-over na rin Major Nurhaib Bungkac, hepe ng Lamitan city police ang labi ni Akarab sa kanyang mga kaanak na agad inilibing ayon sa tradisyon ng Muslim.
Patuloy naman ang ginagawang hot pursuit operation ng militar laban sa mga kasama ni Akarab./Mary Anne Sapico
SC sa Ombudsman: Bank accounts ni Erap busisiin na

July 1, 2022 @9:25 AM
Views:
19
MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Korte Suprema (SC) sa Office of the Ombudsman na ituloy ang imbestigasyon sa bank accounts ni dating Pangulong Joseph Estrada at ng kanyang mga umano’y mistresses.
Sa isang desisyon na isinapubliko noong Huwebes, ibinasura ng SC ang petisyon na inihain ng Philippine National Bank, na iginiit na nagkamali ang Court of Appeals (CA) sa hatol nito noong 2006 na tinanggihan ang kanilang pakiusap na pigilan ang Ombudsman na pilitin si Estrada at ang kanyang diumano’y mistresses na ilabas ang kanilang mga bank account.
Ang bank records nina dating San Juan City mayor Guia Gomez, Laarni Enriquez, Joy Melendrez, Peachy Osorio, Rowena Lopez, Kevin o Kelvin Garcia at Jose Velarde ang mga paksa ng pagsisiyasat ng Ombudsman sa pagsisikap nitong imbestigahan si Estrada matapos itong magbitiw bilang pangulo noong 2001.
Sinabi ng SC na walang kapangyarihan ang CA na suriin ang mga utos at desisyon na ginawa ng Ombudsman na kinasasangkutan ng mga kasong kriminal o hindi pang-administratibo.
“Established is the rule that the CA has jurisdiction over orders, directives, and decisions of the OMB (Ombudsman) in administrative disciplinary cases only,” saad sa desisyon.
Binigyang-diin ng SC na si Estrada ay nahatulan ng kasong kriminal matapos itong mapatunayang guilty sa plunder.
Binanggit din sa desisyon na sa kabila ng pagpapanumbalik ng mga karapatang sibil at pampulitika ni Estrada matapos siyang bigyan ng executive clemency ng kanyang kahalili na si Gloria Macapagal-Arroyo noong 2007, maaari pa ring ituloy ng Ombudsman ang pagsisiyasat nito sa mga bank account ng dating pangulo at ng kanyang mga umano’y mistress.
Idinagdag ng SC na may awtoridad ang Ombudsman na tingnan ang mga bank account ng mga pampublikong opisyal at empleyado na iniimbestigahan ng gobyerno.
“The prevailing doctrine is that the OMB may examine and access bank accounts and records in their investigation, even without a pending litigation,” giit pa sa desisyon. RNT
Papal Nuncio: Karanasan sa gobyerno bitbit ni PBBM vs mga hamon sa bansa

July 1, 2022 @9:11 AM
Views:
20