Salceda: ‘Pondo sa delisted 4Ps beneficiaries, ilipat sa unconditional cash transfer’

Salceda: ‘Pondo sa delisted 4Ps beneficiaries, ilipat sa unconditional cash transfer’

July 20, 2022 @ 7:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naniniwala ang isang ekonomista at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na dapat mailipat sa “unconditional cash transfer” at hindi sa “conditional cash transfer” ang pondo sa 4Ps mula sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo na naalis na sa listahan o delisted.

Paliwanag ni Salceda ang unconditional cash transfer ay ang nilikha sa  ilalim ng TRAIN law dahil sa pag-angat ng presyo dahil pinatungan ng excise tax ang langis ay nagkaroon ng unconditional cash transfer na  P500 per month sa lahat ng naapektuhan.

‘Yan aniya ay mga 10 milyong pamilya o lowest  50 percent.

“So sa panahon po ngayon na ayaw nating ibaba ang oil excise tax eh magandang source of fund yan para ma-shift po sa unconditional cash transfer  para maiayuda sa lowest 50 percent at 500 pesos  per month for twelve months hanggat ‘di bumababa pabalik sa 80 ang presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan”, ani Salceda sa forum ng Kapihan sa Manila Bay.

Hindi lamang aniya sa lowest 50 percent kundi puwede ring gamitin para sa tatlong sektor na talagang naapektuhan kabilang ang mga mangingisda,magsasaka, at senior citizens (social pension) .

Naniniwala ang mambabatas na dapat awtomatik na dapat ang  sobra para sa 1.3 milyon indibidwal na delisted sa 4Ps ay dapat mailipat.

Ayon kasi sa  Department of Social Welfare and Development (DSWD) nasa 1.3 indibidwal pa lamang ang  potensyal na matatanggal o made-delist.

Dagdag pa ni Salceda, may tatlo siyang tinitignan para ang ayuda ay maging permanent at hindi paulit-ulit kapag may naapektuhan o nasasaktan ay gagawa ng batas.

Una aniya,  dapat pag lumagpas ng 80 ang presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan kung ano man sobra dun ay magiging awtomatik na ayuda para sa lowest 50 percent fisherfolks , farmers at senior citizen o yung mga may  fix income earners.

Pangalawa, ang paglipat ng conditional cash transfer  sa unconditional cash transfer ay para sa biktima ng mga pabago-bago o adverse  development sa kabuuang ekonomiya,  ito man ay local o foreign.\

Pangatlo, lahat aniya  ng taripa sa agrikultura ay dapat awtomatikong. targeted beneficiaries sa bawat sektor.

Tatawagin aniya ang batas na  “appropriation of revenue proceeds from tariff on agricultural products.”

“So these will be the  3 major sources to offset sa negative impact of a disadvantage or dislocation due to government  policy,” anang economist. Jocelyn Tabangcura-Domenden