Salceda sa DBM, DILG: Travel allowance ng LGU officials taasan

Salceda sa DBM, DILG: Travel allowance ng LGU officials taasan

December 24, 2022 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Interior and Local Government na taasan ang travel allowance rates ng mga opisyal ng local government units (LGUs).

Ayon kay Salceda, ang pagpapataas sa representation and transportation allowance (RATA) ng mga opisyal ay makapagpapaunlad din kasi ng turismo dahil sa face-to-face engagements.

Ang RATA batay sa 2013 circular form ng DBM ay ang allowance na ibinibigay sa mga piling opisyal ng pamahalaan na susuporta sa kanilang mga gastos na may kinalaman sa kanilang tungkulin o trabaho kabilang na ang pagbyahe ng mga ito.

“The increase in rates will help boost our meetings, incentives, conferences, and exhibitions or MICE scene, which suffered structural losses due to the pandemic,” pahayag ni Salceda nitong Sabado, Disyembre 24.

Ang MICE ay isang tourism term na tumutukoy sa mga pagpupulong at convention ng malalaking grupo.

“From 2013 to 2022, the value of each peso has eroded to 74 centavos. It also no longer makes sense given that LGUs have increased local revenues from 107.98 billion to 256.21 billion last year. That’s a 137% growth rate. Around the same period, national government revenues only grew by 75%. So, they’re actually doing a better job at improving revenue collection,” ani Salceda.

Dagdag pa niya: “LGU officials deserve the increase given their improved efforts in generating local revenues.”

Ayon kay Salceda, ang kasalukuyang daily travel expense (DTE) ay nasa P1,500 hanggang P1,800.

“From 2019 to 2022, the value of each peso has eroded to 89 centavos. Proportionately, the DTE should now be adjusted to P1,688 to P2,026.” RNT/JGC