Salceda sa illegal POGO workers: ‘May batas para sa inyo!”

Salceda sa illegal POGO workers: ‘May batas para sa inyo!”

October 10, 2022 @ 3:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda sa mga illegal na manggagawa ng Philippine offshore gaming operator (POGO) na mayroong umiiral na batas ang bansa para sa kanila.

Dahil dito, nanawagan ang mambabatas na ituring ng pamahalaan ang mga POGO workers na katulad ng isang dayuhan na namamalagi na ng mahabang panahon sa Pilipinas.

“There are laws on the proper handling of illegal aliens…As I have repeatedly asserted, let’s just follow the law as is. We have enough laws to deport illegal workers,” ani Salceda na chairman ng House Committee on Ways and Means.

“We have enough laws to protect people from human trafficking. Let them operate to the fullest extent,” dagdag pa niya.

Inihayag din niya na sa ibang bansa ay mayroon rin na mga overseas Filipino workers na nagtatrabaho ng illegal. Sa katunayan umano ay may nasa 300,000 undocumented OFWs sa United States, 30,000 sa Netherlands at kahit 80,000 pa sa Italy.

“Any arbitrary law against undocumented workers here in the Philippines will reflect poorly on us, and will undermine the welfare of undocumented workers among our own compatriots. So, let us allow the law to take its course, consistent with humanitarian considerations and international laws and convention,” ani Salceda. RNT/JGC