Salceda sa Malakanyang: Maglabas ng EO vs inflation

Salceda sa Malakanyang: Maglabas ng EO vs inflation

October 6, 2022 @ 1:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng pagtaas ng inflation, nagrekomenda si House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Bongbong Marcos ng mga paraan upang matugunan agad ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Executive Order.

Ayon kay Salceda “food, feed, and fuel” ang dapat na gawing stratehiya matapos pumalo sa 6.9% ang inflation rate.

“The problem is primarily in food, feed, especially corn, and fuel. These are the most essential components of the basket of goods. And they are vulnerable, to some extent, to global price volatility due to imports,” ani Salceda na isang magaling na ekonomista.

Ipinaliwanag ni Salceda na sa bawat P1 na pagbaba ng palitan ng piso kontra dolyar ay nangangahulugan ng pagtaas ng bilihin sa pagitan ng 0.1 hanggang 0.4 porsyento.

Nangangamba ang mambabatas na habang lolobo ang presyo ng pangunahing bilihin ay maging kadikit nito ang smuggling.

“Higher domestic prices in Mindanao will raise the incentive to intensify the use of traditional ‘Southern backdoor’ smuggling mechanisms,” ani Salceda kung saan batay umano sa pakikipag-usap nya sa Bureau of Customs, ang madalas na ipinupuslit ay tobacco products, fuel at gulay.

Upang tugunan ang mataas na inflation rate, inirekomenda ni Salceda na magpalabas ng EO na magpapalakas sa agrikultura pangunahin na dito ang pagpapataas sa ani.

“EO directing the inventory and release of all procured and available financial and material resources for agriculture, as well as expeditious completion of all pending procurement for agriculture, may be issued; EO ensuring that all supply bottlenecks for food and other farm and EO directing that all schools and barangays undertake community edible gardening programs,” sabi ni Salceda.

Sa energy sources ay dapat tutukan ang pagpapataas ng produksyon ng coal at pabilisin ang pagbibigay ng permit para sa mga solar, wind at iba pang renewable energy projects. Gail Mendoza