SALIBIO GANG LEADER LAGLAG SA MALABON  POLICE

SALIBIO GANG LEADER LAGLAG SA MALABON  POLICE

October 22, 2022 @ 4:35 PM 1 month ago


NATAPOS din ang mahabang  pagtatago ng umano’y kilabot na lider ng “Salibio gang”  matapos maaresto  sa isang lightning raid na isinagawa ng  intelligence operatives ng Malabon City Police. 

Hindi  lumaban  si Randy Magpayo, 36,  ng Iloilo nang siya’y  matagpuan   ng  police raiding  team  na may bitbit na search warrant  sa kanyang lungga sa Potrero, Malabon.

Sa bisa ng  search warrant na inisyu ni Executive Judge Rosario Ines- Pinson, hinalughog ang  pinagsanib na puwersa ng Intelligence Section at  Explosive and Ordnance Division  ang hideout  ni  Magpayo, na kilala sa tawag na “ulo”  sa Barangay Potrero.

Nakuha ng raiding team sa pangunguna ni P/Lt. Richel Siñel, PSMS Jerome Peralta at PCpl. Adonis Sugui  sa pag- ingat  ni  Magpayo ang isang  9mm pistol at  granada.

Si Magpayo ay  lider ng Salibio gang na responsable sa serye ng robbery holdup, hind lamang sa Malabon City  kundi sa karatig na mga  lungsod tulad ng Caloocan,  Valenzuela at  Navotas, ayon kay Malabon City Police chief  PCol. Albert Barot.

Ang iba pang miyembro o kaanib ng naturang gang ay hinahanting na ng pulisya. 

Samantala,  dinakip ng joint police team  mula Malabon at Calbayog city ang isang wanted  sa isinagawang   police operation  kamakailan sa Brgy. Catmon.

      Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni  Judge Cecilio Tuazon Lampasa ng Calbayog RTC , nilusob ang pinagtataguan ni Efren Tomale, 44, ng team na pinamumunuan nina  PLtCol. Ericson del Rosario ng Calbayog PNP  at P/Lt. Siñel ng Malabon City Police sa Sitio 6.

Si Tomale, no. 6  most wanted man sa Calbayog City,  ay sumuko nang matiwasay sa  pulisya,  ayon pa kay Barot.

Another accomplishment sa Malabon  PS at  syempre sa Calbayog PNP.