Salilig nailibing na

Salilig nailibing na

March 4, 2023 @ 4:04 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nailibing na sa huling hantungan sa Zamboanga City si John Matthew Salilig, ang 24-anyos na chemical engineering student na namatay matapos umanong sumailalim sa Tau Gamma Phi fraternity initiation rite sa Laguna.

Dinala ang kanyang labi sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Concepcion sa Zamboanga City para sa isang funeral Mass pagkatapos ay inilibing sa isang pribadong sementeryo sa Barangay Tumaga.

Kasamang inilibing ni Salilig ang kanyang lolo na namatay naman noon ding Pebrero dahil sa katandaan.

Dumalo sa libing ang mga kaibigan at kamag-anak ng pamilya Salilig, gayundin ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at miyembro ng Tau Gamma Phi Zamboanga City Chapter.

Patuloy ang paghingi ng hustisya ng kaanak ni Salilig. RNT