Salitang ‘Tambay’, hindi na gagamitin ng mga awtoridad

Salitang ‘Tambay’, hindi na gagamitin ng mga awtoridad

June 25, 2018 @ 2:21 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Hindi na gagamitin ng mga awtoridad ang salitang “tambay” sa kanilang mga operasyon sa pagpapatupad ng mga city ordinance para maiwasan na rin ang anumang paglabag sa karapatang pantao.

Matatandaang kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga tambay, agad na nagsagawa ang pulisya ng kanilang operasyon kontra dito kabilang na ang mga nagkakaraoke party at mga nakahubad pang-itaas sa publikong lugar.

“Last week, nagbigay ako ng direktiba na (I gave a directive that) we will no longer use in our report and interview the word ‘tambay.’ It should be violators of city ordinances, local ordinances and laws,” ayon kay Chief Superintendent Guillermo Eleazar, director of the National Capital Region Police Office.

“We can only arrest people who are violating or committing crimes or violations of ordinances and the rest, we cannot arrest anymore,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa hepe, hahanap sila ng solusyon magampanan lang ang kautusan ng Pangulo, alinsunod sa batas.

Matatandaang, pinalitan din dati ang paggamit ng salitang ‘nanlaban’ at gumamit na lang ng salitang ‘neutralize’ sa kanilang mga report patungkol sa mga suspek na napapatay dahil sa pagganti o panlalaban. (Remate News Team)