Saloobin ng LGUs sa karagdagang EDCA sites, pinakikinggan – AFP

Saloobin ng LGUs sa karagdagang EDCA sites, pinakikinggan – AFP

February 9, 2023 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Huwebes na nakikinig ito sa ilang local governments na kumokontra sa posibleng pagtatatag ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site para sa US troops sa kanilang ga lugar.

“We are actually listening to the statements and sentiment of our local government officials and we can’t afford that these issues will divide us… We need the country to be united especially in the implementation of projects that will strengthen the capability of the Armed Forces or the country to defend itself,” pahayag ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar.

Inanunsyo ng Pilipinas at ng  Estados Unidos nitong nakaraang linggo ang kasunduan na palawigin ang presensya ng American military, na magbibigay sa kanila ng access sa apat na bagong sites sa bansa sa pagtalakay ng dalawang panig sa mga aksyon upang tugunan ang destabilizing activities ng China sa rehiyon, partikular sa in West Philippine Sea.

Hindi pa inaanunsyo ng pamahalaan ang lokasyon ng apat na bagong EDCA sites. Nauna nang sinabi ng defense officials na nauna nang imungkahi ang Zambales, Cagayan, Isabela, at Palawan – na lahat ay nakaharap sa China, Taiwan, at sa Korean Peninsula – bilang karagdagang lokasyon.

Naghayag naman ng reserbasyon ang mga gobernador ng Cagayan at Isabela hinggil sa posibilidad.

Sinabi ng US na naglaan ito ng $82 million, o halos ₱4.492 bilyon para sa proyekto.

Iginiit ni Aguilar na ang pagkakaroon ng karagdagang EDCA sites ay makatutulong sa pagpapaigting ng defense capability sa pamamagitan ng bilateral military training, bukod sa pagpapabuti sa disaster response.

“There are guidelines on how the US forces can access these facilities and permission or authority will be given first by the Philippine government for them to use these,” paliwanag ni Aguilar. “There are restrictions also which are of course guided by our existing laws and constitutional provisions, such as the non-use of nuclear materials that will endanger the lives of our people.”

Sinabi rin niya na magsisimula ang konstruksyon ng karagdagang sites kapag inanunsyo na ang lokasyon ng mga ito. RNT/SA