Salpukan ng bus at van, 1 patay, 1 sugatan

Salpukan ng bus at van, 1 patay, 1 sugatan

October 8, 2018 @ 1:02 PM 4 years ago


 

Lucena City – Dead on the spot ang driver ng isang van matapos sumalpok ang minamaneho nitong sasakyan sa isang bus sa Maharlika Highway sa bayan ng Tiaong, Quezon province, umaga ngayong Lunes.

Ayon sa ulat mula sa Quezon police, sinabi ng isang pasahero ng pampasaherong bus na Amihan, minamaneho ni Ian de la Cruz, sumalpok ang bus sa paparating na Mitsubishi L300 van sa Barangay Lagalag dakong alas-3:45 ng umaga.

Dahil dito, ang driver ng van na si Jimmy Montero ay nagtamo ng malalang sugat sa ulo at idineklarang dead on the spot.

Isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasakay sa van ang sugatan at agad ding isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Ang bus driver naman ay inaresto at kasalukuyang nakakulong./Remate News Team