Salt industry sa Pinas isinusulong ng solon

Salt industry sa Pinas isinusulong ng solon

July 17, 2022 @ 11:05 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang panukala ang inihain ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo na humihiling na magtatag ng inter agency na tututok sa alt Industry at magbibigay ng insentibo sa mga salt farmers.

Ang hakbang ay ginawa ni Salo upang mapangalagaan ang industriya ng asin at matiyal ang salt-sufficiency ng bansa.

Sa House Bill No 1976 ni Salo ipinanukala nitong magtatag ng inter-agency body na tatawaging ASInDeRO, o Administration for Salt Industry Development, Revitalization and Optimization, shall be established, pamumuuan ito ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at industry stakeholders.

“The proposed measure will promote indigenous salt-making technology, just as it seeks to harness current technological advances in salt-making. It also protects artisanal salt farmers by providing avenues where they will be able to market their products, including un-iodized salt. When passed into law, HB No. 1976 not only aims to revitalize the local salt industry, but it also seeks to attain increased income for salt farmers and salt producers”paliwanag ni Salo.

Ani Salo dati ay may sapat na supply ng asin ang bansa subalit sa kasalukuyan ay nag-iimport na din ito ng asin na nasa 550,000 metric tons kada taon o kabuuang 93 porsiyento ng pangangailangan ng bansa.

“This is ironic considering that the Philippines has 36,000 kilometers of shoreline–the fifth longest shoreline in the world–which can be utilized for massive salt production. Thus, unless the government undertakes immediate steps to address this sad state of the salt industry, the Philippines will soon be completely dependent on imported salt,” pagtatapos pa ni Salo. RNT