Salt production, iodization project inilunsad sa Batanes

Salt production, iodization project inilunsad sa Batanes

December 12, 2021 @ 10:36 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Opisyal na inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang salt production at iodization project nito sa Batanes.

Inilunsad ng DOST-II sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Center (PSTC) sa Batanes ang proyektong ito sa coastal municipality ng Uyugan noong Nobyembre 25.

“Salt production has become an indispensable activity in the local area. With that, the project aims to improve the traditional salt production process of the people in Uyugan through the use of Salt Crystallization Beds,” pahayag ni DOST Secretary Fortunato “Boy” T. de la Peña nitong Biyernes.

Aniya, naka-istasyon umano ito sa tabi ng Community Fish Landing Center sa Uyugan Beach.

Binuo ng DOST-Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) ang salt evaporation setup at salt iodization. Ipinakilala naman ang salt technology sa local entrepreneurs noong Nobyembre 4.

Sinabi ng DOST chief na ang panukalang salt production facility na itatayo ay ipinakita a pamamagitan ng isang virtual tour.

Itatayo ang pasilidad sa tulong ng DOST II, ITDI, at ng local government unit (LGU). RNT/SA