SALUDUHAN ANG DAPAT SALUDUHAN SA PNP

SALUDUHAN ANG DAPAT SALUDUHAN SA PNP

December 15, 2022 @ 8:44 AM 1 month ago


MUNTIK nang malaglag sa pwesto ang isang mataas na opisyal ng Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame nang ma-hostage si dating Senador Leila de Lima noong Oktubre 10, 2022.

Kung hindi naging matinik si P/Col. Mark Pespes sa noo’y nang-hostage kay De Lima na si Feliciano Sulayao Jr., maaaring kasama na niya si P/LtCol. Patrick Ramillano na agad sinibak makaraan ang hostage taking.

Ngayon, isa nang brigadier general si Pespes pero nasaan naman kaya si Ramillano?
Col., este, PBGen. Mark Pespes, sir, congrats.

DINAAN SA TUBIG

Kung inyong matatandaan, mga Bro, pinuno ng Camp Crame support services si Pespes nang maganap ang hostage taking habang pinuno ng custodial center si Ramillano na roon nakakulong si De Lima.

Nakakulong din doon si Sulayao at kasama niyang sina Arnel Cabintoy at Idang Susukan.

Parehong magkakasama at miyembro sina Sulayao, Cabintoy at Suksukan ng Abu-Sayyaf at Daulah Islamiyah.

Almusalan nang dalhan ng tsibug sina De Lima at mga detenido, kasama ang tatlong itlog na nabanggit.

Dito na inatake ang isang pulis na nagdadala ng pang-almusal nina Cabintoy at Susukan gamit ng

mga kutsilyo.
Nang magkagulo, binaril ng mga pulis sina Cabintoy at Susukan habang tumakbo si Sulayao sa kwarto ni De Lima, ginapos ito at tinutukan ng kutsilyo.

Ninais tumakas si Sulayao sa paghingi ng helikopter, Hummer at iba pa ngunit hindi ito nagtagumpay nang barilin at mapatay ni Pespes.

Dinaan at nilansi ni Pespes si Sulayan sa pag-aabot ng inumin at nang malantad ang katawan ng una at lumayo sa katawan ni Delima, dito na pinutukan na siya pinutukan ni Pespes.

PASASALAMAT

Siyempre pa, pinasasalamatan natin si Pangulong Bongbong Marcos at si Interior Secretary Benhur Abalos sa pagtango ng mga ito sa nominasyon ni Pespes bilang police general.

At ‘approve without thinking’ na rin ang Commission on Appointment para kay Pespes.

Hindi malilimutan na isinulong din sa promotion ni PNP chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang iba pang mga opisyal.

Kasama sa mga na-promote si National Capital Region Police Office chief P/Maj. Gen. Jonnel Estomo.

Siyempre pa, nandiyan sina P/Maj. Gen. ngayo’y P/Lt.Gen. Rhoderick Armamento, commander ng APC- Southern Luzon; P/Maj. Gen. Bernard Banac, PNP director for plans; Jon Arnaldo (Human resource and doctrine development); Mario Reyes (Police-community relations); Eric Noble (PNP Academy director); Ritchie Posadas (DepCom of APC-Southern Luzon; Emmanuel Peralta (Operations); at Edgar Alan Okubo (Special Action Force director).

Saludo po sa inyong lahat.