Salvaña o Herbosa bilang DOH sec, Fr. Austriaco bilang DOST head hirit ni Concepcion

Salvaña o Herbosa bilang DOH sec, Fr. Austriaco bilang DOST head hirit ni Concepcion

May 30, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa layon na maipagpatuloy ang pagsisikap ng pamahalaan kontra COVID-19, ipinanukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose “Joey” Concepcion III na si Dr. Edsel Salvaña o Dr. Ted Herbosa ang maging susunod na Health Secretary, habang si molecular biologist Fr. Nicanor Austriaco naman ang maging pinuno ng Department of Science and Technology (DOST).

Ang pahayag na ito ni Concepcion ay bunsod na rin ng unti-unting pagsisiwalat ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga miyembro ng kanyang gabinete lalo na ng kanyang economic team.

Habang inirekomenda naman niya kay Marcos Jr. na bumuo ng formidable economic team, sinabi ni Concepcion na ang susunod na Health secretary ay mayroong mahalagang gampanin upang matiyak na mapananatili ng susunod na administrasyon ang pagsisikap nito laban sa COVID-19 pandemic.

“As we all try to put the COVID-19 pandemic under control, the incoming head of the Department of Health will play an important role to achieve that goal,” aniya pa rin.

Upang maipagpatuloy ang COVID-19 campaign na sinimulan ng Duterte government, ipinanukala ni Concepcion na si Dr. Edsel Salvaña o Dr. Ted Herbosa ang italaga bilang susunod na DOH secretary.

Si Salvaña ay miyembro ng DOH Technical Advisory Group at Director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology sa National Institutes of Health sa University of the Philippines (UP)-Manila. Si Herbosa, ay kasalukuyang medical adviser of the National Task Force Against COVID-19.

Sinabi ni Concepcion na sina Salvaña at Herbosa ay nakapagbigay ng kay outgoing President Duterte ng expert advice kung paano mapipigil ang pandemya.

“I believe that with either of them at the DOH helm will help the government keep COVID-19 under control and maintain our health in good standing, which will keep our economy running at full capacity,” anito.

Kasabay nito, isinuhestiyon din ni Concepcion na ibigay kay molecular biologist at OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco ang DOST portfolio.

“I have worked with all three, and I have to say they are all qualified for the DOH and DOST positions,” ayon kay Concepcion.

“As a molecular biologist with vast experience in science and technology, Fr. Austriaco will complement the DOH’s Covid-19 campaign with the needed know-how that would help end the pandemic,” diing pahayag ni Concepcion.

Nagpahayag naman ng paghanga si Pangulong Duterte kay Austriaco at sa katunayan ay inalok niya ito ng DOH post.

Samantala, sinabi naman ni Concepcion na hindi na kakayanin pa ng Pilipinas na muling isara ang ekonomiya ng bansa.

“Our backs are against the wall with our debt obligations and the needed capital to continue the Build Build Build program,” ani Concepcion.

“Growth is a must. Failure to do so will be extremely bad for the Philippines,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, si Concepcion ang nagrekumenda kay Marcos Jr. na italaga si Alfredo “Fred” Pascual bilang incoming Secretary ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa isang kalatas, sinabi ni Concepcion na gumawa ng excellent choice si Marcos Jr., sa pagtalaga kay dating UP President Alfredo Pascual bilang kanyang DTI chief, sabay sabing isa itong testimonya sa kanyang commitment na magbigay ng sapat na suporta sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs). Kris Jose