Sam, aminadong si Catriona na ang pakakasalan!

Sam, aminadong si Catriona na ang pakakasalan!

February 8, 2023 @ 12:40 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Hindi napangatawanan ni Sam Milby ang sinabi niya noon na pag tuntong niya ng 35 anyos ay mag-aasawa na siya.

The Fil-Canadian actor is already 39, way past sa edad na sinasabi niyang marrying age.

Although may nobya naman siya sa katauhan ni Catriona Gray, mukhang he has learned his lesson.

Aniya, hindi na raw siya magbibitaw ng salita at what age he intends to settle down.

Katwiran niya, “Nape-pressure lang ako so huwag na.”

Kaya lang naman daw niya sinabi noon that he saw himself married at 35 was because of his friends na pamilyado na.

Pero inamin ni Sam na napag-uusapan nila ni Catriona ang tungkol sa kasal.

Nagulat nga raw sila pareho nang mabalitang ikinasal na sila, dahil ang form of address sa kanyang nobya ay Mrs. Catriona Gray-Milby.

But honestly, ang Miss Universe 2018 na ba ang magiging Mrs. Milby?

Walang kagatul-gatol na sagot ni Sam: “Yes, she’s the one!”

It’s interesting to note that despite their many differences ay magkasundo sila.

“So far, wala pa kaming malaking away,” pag-amin niya.

Sam, however, is quick to admit that between him and Catriona, “Mas isip bata pa ako kesa sa kanya. Cat is more mature than her age. She turned 29 last January so we’re 10 years apart. Matalino siya at family- oriented.”

Ganoon naman pala, so what’s stopping them from getting hitched?

As much as possible, Sam wants to keep the public in suspense: “Pag sinabi ko kung kelan, hindi na ‘yon suspense!”

Ang element of suspense ay ang tema ng gagawin nilang reunion movie ni Judy Ann Santos na Diary of Mrs. Winters. Ronnie Carrasco III