Sam, umiskor na ng singsing; kasalan with Catriona, susunod na!

Sam, umiskor na ng singsing; kasalan with Catriona, susunod na!

July 14, 2022 @ 7:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tumataginting na P4 million ang halaga ng singsing na binili ni Sam Milby para kay Catriona Gray.

So, that means they’re one step closer to being engaged.

At siyempre, ang susunod na aabangan ng publiko ay ang petsa ng kanilang altar date.

Kaso, may mga nagtatanong kung binili ba ni Sam ang engagement ring nang cash.

Nauuso raw kasi ang exchange deal o pagbabayad nang installment.

Ginawang halimbawa ang Japanese model- actor na si Daniel Matsunaga na through ex deal nakabili ng singsing.

Nariyan din si Paolo Contis na nakabili ng singsing nang hulugan pero may halong cash.

Whichever, hindi na mahalaga kung sa anong paraan nabili ang singsing.

What should matter ay kung diretso kasalan na ang isang engaged couple.

And in Sam’s case, for sure, he bought the ring in cold cash.

Sam has yet to confirm this.

Wala nga lang siya sa bansa dahil nasa US show siya with Piolo Pascual. Ronnie Carrasco III