SAMA ALL SAYA ALL SA ALLTV

SAMA ALL SAYA ALL SA ALLTV

October 13, 2022 @ 4:57 PM 2 months ago


MATATANDAANG umere na ang ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) Channel 2 noong Setyembre 13, 2022.

January 2023, asahan ang full blast ng ALLTV ng AMBS 2 datapwa’t nagsimula na ang bagong TV Station na ito noong Setyembre 13 na Wedding Anniversary ng owner ng AMBS 2 na sina Former Senate President Manny Villar at kabiyak na si Senator Cynthia Villar, at nagkatataon din namang 65th birthday ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Dalawang magkasunod na teleserye ang mapapanood tuwing hapon, ito ang “NGAYON AT KAILAN MAN” tuwing Lunes hanggang Linggo ganap na alas-3:30 ng hapon kasunod naman tuwing Lunes hanggang Linggo rin ganap na alas-4:15 ng hapon ang teleseryeng “DOBLE KARA” na parehong produksyon ng ABS CBN.

Pagsapit ng alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi Lunes hanggang Biyernes ay mapapanood ang talkshow ni Ms. Toni Gonzaga na “TONITALKS.”

Mga Pelikulang Pilipino at Hollywood Films naman ang mapapanood sa ALLFLIX tuwing Sabado at Linggo ganap na alas-5 ng hapon.

Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ang CNN NEWS NIGHT with Pia Hontiveros ganap na alas-6 ng gabi hanggang 7:00 ng gabi.

Pagsapit naman ng alas-7 ng gabi hanggang alas-8:30 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado ay ang programang inaabangan at pinanabikan ng masang Pilipino ang nagbalik na “WOWOWIN” ni Mr. Willie Revillame na isa sa mga Top Executives ng ALLTV.

Kasunod naman ng Wowowin ang epic teleserye na “RIVER WHERE THE MOON RISES” ganap na alas-8:30 ng gabi hanggang alas-9:30 ng gabi, Lunes hanggang Linggo.

Ang teleserye na “SANA DALAWA ANG PUSO” na produksyon rin ng ABS CBN ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes ganap na alas-9:30 ng gabi.

Sa full blast ng ALLTV sa January 2023 ay marami pang bagong TV Programs ang ating aabangan at kapananabikan sa ALLTV na lubos na pinaghahandaan ng mga executives, management at staff ng AMBS 2 upang ating patuloy na subaybayan at mahalin ang bagong TV Station na ito.

Ang ALLTV ay mapapanood sa Channel 2 sa Free TV at Planet Cable, Channel 35 on Sky or CignalTV, Channel 32 on GSAT and Channel 2 on other Cable TV providers.

Sa mga gumagamit naman ng Digital TV Box ay mangyaring mag re scan lamang kayo para lumabas at mahanap na ninyo ito. Ang iba ay nasagap ito sa Channel 10, 12, 15, 16 at 35.

Sa ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System 2, hindi mo na kailangang magsabi ng “Sana All” dahil talagang dito ay “Sama All, Saya All sa ALLTV.”