Samantha Marquez, G makipagsampalan kay Julia Barretto!

Samantha Marquez, G makipagsampalan kay Julia Barretto!

February 26, 2021 @ 1:17 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Hindi na napigilan ang pagpasok sa showbiz ng baguhang si Samantha Marquez. FYI ay pamangkin ng dating Caloocan Mayor na si Recom Echiverri si Samantha.

Sa mediacon ng pelikulang “The Maharlikans” ay humarap si Samantha sa grupo ng entertainment press at binanggit niya na kung mabibigyan ng pagkakataon ay mas gusto niyang gumanap sa role ng kontrabida.

Dahil du’n ay naitanong kay Samantha na kung sakaling magkatrabaho sila ni Julia Barretto at siya ang maging kontrabida, willing ba siyang makasampalan ang Kapamilya actress?

“Opo,” ang diretsong sagot ni Samantha.

“Kung hinihingi naman po sa istorya at iuutos ng direktor na kailangan kong sampalin si Julia, e, gagawin ko po.

“Acting lang naman po ‘yun at sa harap lang po ng camera.

“Pero if given a chance, e, gusto ko rin po siyang maging friend,” sabi pa ni Samantha.

Kung matatandaan ay naging usap-usapan sa entertainment world ang kanyang uncle na si former Mayor Recom at amg mommy ni Julia na si Marjorie.

Sa puntong ‘yun ay sinubukan ng mga taga-media na magbigay ng pahayag si Samantha tungkol du’n.

“No comment po ako diyan,” ang very safe na sagot ng newbie female star.

Anyway, sa pagpasok ng buwan ng Marso ay sisimulan na ang shooting ng “The Maharlikans” at excited na si Samantha sa unang sabak niya sa peikula. JP Ignacio


  •  
  •  
  •