Samar dinelubyo!

Samar dinelubyo!

January 19, 2023 @ 8:15 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Samar dahil sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa na nakaapekto sa mahigit 20,000 pamilya.

Ang Samar, na binubuo ng mga lungsod ng Calbayog at Catbalogan at 24 na munisipalidad, ay kabilang sa mga lokalidad na labis na naapektuhan ng walang humpay na pag-ulan na dulot ng shear line at trough ng isang low pressure area mula Enero 9 hanggang 14, 2023.

“Whereas, initial reports indicated that 214,160 individuals were directly affected by flooding and landslides in their respective local governments, which corresponds to 27% of the total population of the province,” saad sa inaprubahang resolusyon ng pamahalaang lokal.

Ang Samar ay may kabuuang populasyon na 793,183 batay sa 2020 census ng Philippine Statistics Authority.

Una rito, nagdeklara ng state of calamity ang mga bayan ng Basey, Gandara, at San Jorge gayundin ang lungsod ng Calbayog dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Ang Eastern Samar ay nagdeklara ng state of calamity noong Enero 6 habang ang lalawigan ng Northern Samar ay nagdeklara nito noong Enero 16. RNT