Samar, E. Samar nagpositibo sa red tide

Samar, E. Samar nagpositibo sa red tide

November 4, 2022 @ 5:37 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo sa nakalalasong Paralytic Shellfish Poisoning toxin o red tide ang mga nakuhang samples ng mga lamang-dagat sa San Pedro Bay na sakop ng Basey, Samar at Guiuan, Eastern Samar.

Ito ang inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa kanilang abiso.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, nananatiling positibo sa red tide ang mga samples na nakuha mula sa Cancabato Bay sa Tacloban City at Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, Samar.

Kaugnay nito, nagpaalala naman ang BFAR na iwasan muna ng publiko ang pagkuha, pagbili at pagkain ng anumang uri ng shellfish o lamang-dagat kabilang na ang alamang, sa mga nabanggit na bahagi ng dagat.

Ligtas naman umano na kainin ang mga isda, pusit, alimango at hipon ngunit siguruhin pa rin na linisin at hugasan ng maayos ang mga ito bago lutuin. RNT/JGC