SAMAR ISLAND GUSTONG MAPASAMA SA WORLD HERITAGE LIST NG UNESCO

SAMAR ISLAND GUSTONG MAPASAMA SA WORLD HERITAGE LIST NG UNESCO

July 7, 2022 @ 11:39 AM 1 month ago


NAKAPLANO na ang iba’t ibang aktibidades at programa kaugnay sa kampanya ng Samar Island Natural Park na mapabilang sa prestihiyosong listahan ng “World Heritage Sites” ng UNESCO o ng United Nations, Educational, Scientific and Cultural Organization.

 

Ayon sa Samar Provincial Environment and Natural Resources, taong 2021 pa nagsimula ang paghahanda para mapasama sa listahan ang Samar Island.

 

Kabilang sa ginagawang proyekto ay ang paglalagay ng concrete monuments sa tatlong daang sulok ng island para magsilbing landmark ng protektadong lugar.

 

Naglagay rin ng “buffer zones” ang Department of Environment and Natural Resources para sa biodiversity conservation.

 

Taong 2018 ng ipanukala ni Samar governor Sharee Ann Tan na i-nomina ang Samar Island sa UNESCO list. Sinuportahan ito ng mga gobernador ng Eastern Samar at Northern Samar.

 

Ang Samar Island ay nadeklarang protected area alinsunod sa Presidential Proclamation No. 442 ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga representative Gloria Macapagal Arroyo. Taglay nito ang makapal pang old-growth forest sa bansa at siyang “largest terrestrial protected area” sa sukat na 333,300 hectares na saklaw ang tatlong lalawigan ng Samar, Eastern Samar at Northern Samar.

 

Makikita sa loob ng Samar Island ang kilalang Sohoton Cave and Natural Bridge national park, ang Calbiga Cave na siyang pinakamalaking kuweba sa bansa at pangalawa sa buong Asian continent; at ang Ulot river na may habang 100 kilometers.

 

Sentro din ito ng plant and animal diversity and endemism. Mayroon ditong 33 species of mammals, 215 species of birds kabilang ang Philippine Eagle, 51 species of reptiles, 26 species of amphibians, at higit 1,000 species of plants.

 

Bahagi rin ng inisyatibo ang pagkuha sa University of Santo Tomas Graduate School – Center for Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics para magsagawa ng capacity-building at seminar-workshop para sa technical working groups na binuo ng bawat lalawigan na naayon sa modules on outstanding universal value; authenticity and integrity; at protection and management.

 

Sa kasalukuyan, may siyam na deklaradong World Heritage Sites sa bansa kabilang ang –

Ø  Four Baroque Churches na matatagpuan sa Intramuros, Manila; Miag-ao sa Iloilo; Santa Maria, Ilocos Sur; at Paoay, Ilocos Norte;

Ø  Tubbataha Reefs Natural Park na nasa Sulu sea, Palawan;

Ø  Rice Terraces of the Philippine Cordillera na matatagpuan sa  Batad, Bangaan, Mayoyao, Hungduan, at Nagacadan sa lalawigan ng Ifugao;

Ø  Historic city of Vigan sa Ilocos Sur;

Ø  Puerto Princesa Subterranean River sa Palawan; at ang

Ø  Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary