Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

July 1, 2018 @ 4:03 PM 4 years ago


 

Samar – Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Samar kanina ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

 

Ang lindol ay naganap alas-1:02 ng hapon at natagpuan ang epicenter nito sa 47 kilometro hilagang silangan ng Catbalogan.

 

Sa lalim na 28 kilometro, ang tectonic quake o ang pagyanig na dulot ng paggalaw ng magma ay naramdaman sa lakas na intensity 4 sa Catbalogan.

 

Wala namang naitalang sira ang lindol at hindi rin inaasahang maghahatid ng aftershock sabi ng Philvolcs. (Remate News Team)