Same sex marriage legal na sa buong Mexico

Same sex marriage legal na sa buong Mexico

October 28, 2022 @ 11:07 AM 1 month ago


MEXICO – Legal na sa buong bansang ito ang same sex marriage.

Ito ay matapos na sa wakas ay pumayag na rin ang State Congress ng Tamaulipas sa Mexico sa pagpapahintulot ng same-sex marriage sa kanilang lugar.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, ang Tamaulipas ang huling estado sa Mexico, na Katoliko ang malaking bilang ng populasyon, ay inaprubahan na ang batas para sa same-sex marriage.

“The Congress of Tamaulipas approved the reforms to article 132 of the Civil Code for the State, to recognize the right to same-sex marriage,” ayon sa pahayag ng Kongreso.

“There are no first or second-class people, all people should enjoy this right,” sabi ni congresswoman Nancy Ruiz ng conservative National Action Party (PAN), na nagsulong ng reporma.

Noong 2010 nang payagan sa Mexico City, ang kapital ng bansa, ang unang same-sex unions.

Matapos naman ang limang taon, idineklara ng kanilang korte suprema na labag sa konstitusyon ang pagpigil sa same sex marriage..

Ngayong taon, pitong estado rin sa Mexico ang nauna nang nag-apruba ng marriage equality, at tatlo sa mga ito ang nangyari sa nagdaang dalawang linggo. RNT