Sampaguita vendor na PWD kumikita ng higit P500 kada-araw ngayong pandemya

Sampaguita vendor na PWD kumikita ng higit P500 kada-araw ngayong pandemya

September 13, 2020 @ 1:17 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Bulacan – Ramdam ng isang “sampaguita” vendor na may kapansanan ang kabutihan ng kapwa matapos mas lumakas at kumita ng mahigit P500 sa maghapon ngayong panahon ng COVID-19.

Siya si Freddie Sablada, 25, Persons With Disability dahil baluktot ang mga kamay, baligtad ang mga paa at residente ng Brgy. Malis, Guiguinto, Bulacan.

Aniya, nasa mahigit P500 ang kanyang kinikita sa pagbebenta ng sampaguita sa harapan ng malaking supermarket sakop ng Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto.

Sinabi niyang nasa P300 lamang ang kanyang kinikita sa noong walang COVID-19.

Pakiwari niya mas lalong naiintindihan ng mga tao ang kahirapan at sitwasyon kaya lumakas ang kanyang benta ngayong panahon ng pandemya

Nagpatuloy siyang magbenta nang luwagan ang lockdown sa pinakamurang halaga na P10 pataas ng sampaguita.

Nasa humigit kumulang dalawang taon na siyang pinapayagang magbenta ng sampaguita sa harap ng isang malaking supermarket Brgy. Sta. Cruz.

Tumutulong si Sablada sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang mga magulang.

Kaugnay nito, si Sablada ay nakatapos ng kursong Computer Science sa kanyang bayan dahil sa pagsusumikap ng magulang nito na kapwa niya sampaguita vendor. Dick Mirasol III

 

 


  •  
  •  
  •  

Loading...