Sampaloc area top 1 na sa Manila COVID-19 cases

Sampaloc area top 1 na sa Manila COVID-19 cases

August 7, 2020 @ 10:48 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilagpasan na ng Sampaloc area ang Distrito I ng Tondo sa pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), matapos ang halos limang buwan na pangunguna ng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Dist. I sa Tondo ay naungusan na ito ng Sampaloc makaraang makapagtala sila ng 308 active cases, 459 recoveries o gumaling sa nasabing sakit, at 30 nasawi. Habang ang Tondo I naman ay nakapagtala ng 271 active cases, 975 recoveries, at 78 ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Patuloy naman ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila kung saan nasa 1,309 na lamang ito habang ang suspected case ay nasa kabuuang bilang na 418 at nasa 136 naman ang kabuuang bilang ng probable case.

Sa kabila nito, nakapagtala naman ang MHD ng kabuuang bilang na 5,092 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Muli naman nagpaalala ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso na manatili sa loob ng bahay ang mga wala namang importanteng gagawin sa labas lalo na ngayong umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa mga lalabas naman, magsuot ng facemask, palagiang maghugas ng kamay at panatilihin ang physical distancing.   JAY Reyes 


  •  
  •  
  •  

Loading...