Sampulna: Marcos admin makapagbibigay sa PH ng mas malakas na boses para sa climate change, global warming

Sampulna: Marcos admin makapagbibigay sa PH ng mas malakas na boses para sa climate change, global warming

July 12, 2022 @ 3:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kumpiyansa at naniniwala si dating Environment Acting Secretary Jim O. Sampulna na ang Pilipinas bilang isa “most vulnerable countries” sa climate change, ay magkakaroon ng mas kilalang presensiya sa global climate stage sa ilalim ng paparating na Marcos administration.

Upang mapanatili ang mga nagawa na para sa mas climate-resilient na Piipinas, hiniling ng dating DENR chief ang administrasyon ni President Ferdinand Marcos, Jr., na palakasin pa ang ‘climate momentum’ ng bansa.

Sa press release sinabi pa nito na ang ipinakitang interes ni President Marcos, Jr. tungkol sa climate change, na binanggit sa kanyang inaugural speech, ay nagpapakita na palalakasin ng admnistrasyon nito ang posisyon ng bansa tungkol sa ‘sustainable and renewable energy.’

“The development and promotion of renewable energy sources and energy efficient technologies must be high in the development agenda, not only to address the problem of high power costs, but as one way the country could move forward to address climate change and global warming,” pahayag ni Sampulna.

“President Marcos’ optimism is seen in his consideration to attend the 2022 United Nations Climate Change Conference (COP27) upon the invitation of Ambassador Ahmed Shehabeldin Ibrahim of Egypt last month.”

Sinabi pa ni Sampulna na ang Pilipinas ay matagal nang nanguna sa pagsasalita sa global community tungkol sa climate justice para magkaroon ng technical support para sa inisyatiba ng developing countries partikular na ang mga may banta ng climate change.

Noong 2021, iniulat ng Department of Finance (DOF) na ang climate-related hazards ay nagkakahalaga ng P506.1 billion sa pagkalugi sa ekonomiya sa nakalipas na dekada.

Samantala sa ginanap na COP26 sa Glasgow, Scotland noong 2021, nanawagan si dating Finance Secretary Carlos Dominguez bilang pinuno ng Philippine delegation, sa developed countries, na maglaan ng pondo para tulungan ang developing countries tulad ng Pilipinas na lumipat sa ‘clean energy.’

Dagdag pa dito, and DOF ay nakapagtatag ng Sustainable Climate Finance Roadmap (SCFR) na magsisilbing blueprint ng bansa upang matutukan ang policy at regulatory gaps sa pagpapalaganap ng sustainable investments sa pamamagitan ng finance, at magkaroon ng investments sa public infrastructure at development projects na magsusulong ng sustainable financing sa Pilipinas.

Noong 2020, ang DOE ay nagpatupad ng moratorium sa bagong coal power plants at hindi na muli pang tumanggap ng bagong pag-endorso ng aplikasyon sa pagtatayo ng greenfield coal power plants na tumutukoy sa power facilities na hindi pa naitatayo. Santi Celario