“SAMU’T SARING KAALAMAN” EPEKTO NG ALCOHOL SA KALUSUGAN

“SAMU’T SARING KAALAMAN” EPEKTO NG ALCOHOL SA KALUSUGAN

November 29, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


Sa ating “Samu’t Saring Kaalaman”, pag-usapan natin ang epekto ng alcohol sa ating kalusugan lalo pa’t marami na naman sa atin ang mapapasabak sa kaliwa’t kanang inuman ngayong Kapaskuhan. 

May mga panibagong pag-aaral na nagpapakita ng direktang komplikasyon ng pag-inom ng alak gaano man karami o kakaunti sa posibleng pagkakaroon ng cancer. Base sa research, ang isang babae na tumitikim ng isang baso ng alak kada araw ay may malaking tsansa na magkaroon ng canser sa suso, atay, rectum, lalamunan, bibig at esophagus. May mga pagsasaliksik din na nagsasabing may direktang epekto sa kalusugan ng puso ang pag-inom ng alak.

Narito ang mga opinyon ng mga eksperto sa cardiology, oncology, epidemiology at internal medicine hinggil sa usaping ito. Magkakaiba man ang kanilang mga kasagutan at paniniwala, nagkakaisa naman sila na hindi na dapat uminom pa ang mga taong may alcohol dependency at mga babaeng nagdadalantao.

Para kay Arthur Klatsky, MD, isang dating practicing cardiologist na ngayon ay nasa research division ng Kaiser Permanente sa Oakland, California, ay walang tumpak na kasagutan hinggil dito, sabi pa niya “it has to be individualized according to specific person.” Dapat umanong alamin at ikonsidera ang edad, kasarian, nararanasan o pinagdaanang problemang medikal, at family history ng karamdaman.

May dulot na ilang benepisyo at masamang epekto ang pag-inom ng alak base sa mga pag-aaral, ayon kay Gary Rogg, MD, isang internal medicine specialist sa Montefiore Medical Center sa New York. May direktang kinalaman ang alcohol sa pagkakaroon ng breast cancer at liver cancer base sa pagsasaliksik at maging sa iba pang uri ng canser. Kaya ayon sa kanya, “If you reduce alcohol intake, you can reduce the incidence of head and neck cancer and colorectal cancer.”

Ayon pa kay Dr. Klatsky, ay walang tiyak na kasagutan. Ibinigay niya ang isang halimbawa ng isang lalake na 60 years old na itinigil na ang paninigarilyo ngunit may family history ng heart attack, may mataas na cholesterol level ngunit walang alcohol dependency problem, ay mahilig uminom ng isang baso ng alak tuwing pagkatapos maghapunan, siya ay dapat tumigil sa gawain niyang ito.

Kumpara sa isang babaeng health conscious sa edad na 25, na walang risk factor para sa heart disease, na umiinom lamang ng katamtaman. Hindi niya dapat dagdagan ang pag-inom ng alak dahil sa loob ng 40 hanggang 50 taon ay makakasama lamang ito sa kanya.