San-En NeoPhoenix nanalo sa paglabas ni Ravena sa quarantine

San-En NeoPhoenix nanalo sa paglabas ni Ravena sa quarantine

October 29, 2020 @ 1:30 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

JAPAN –  Sa wakas ay nakapagtala rin ng unang panalo ang San-En NeoPhoenix matapos durugin ang Kyoto Hannaryz, 94-75, sa 2020-21 B.League season sa larong ginanap sa Toyohashi City Gymnasium.

Pinangunahan ni Serbian import Stevan Jelovac, kumamada ng 27 points at nine rebounds, ang unang panalo ng NeoPhoenix sa kanilang ika-sampung laro.

Naganap din ang unang panalo ng NeoPhoenix sa paglabas ni Thirdy Ravena sa kanyang 14-days quarantine.

Malaking tulong din sa panalo ng San-En ang kanilang bagong import na si Kyle Hunt ng tumikada ng double-double sa kanyang 16 points at 10 rebounds para sa San-En.

Umambag naman sina Hayato Kawashima ng 12 points, seven assists at two steals habang si Shumei Kitahara ay may 12 points at two rebounds sa naging panalo.

Sunod na haharapin ng NeoPhoenix na kasama si Ravena ang Shimane Susanoo Magic sa November 7 at sa sumunod na araw naman ang Yonago Industrial Gymnasium sa Tottori. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...