San Jose de Trozo Parish, archdiocese shrine na

San Jose de Trozo Parish, archdiocese shrine na

December 18, 2022 @ 1:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Opisyal nang itinalaga bilang Archdiocesan Shrine of Saint Joseph ang parokya ng San Jose de Trozo sa Sta. Cruz, Manila.

Sa isang post sa social media, sinabi ng parokya na ang pasya ay nilagdaan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula

“Indeed, God works in ways we cannot fathom. He makes things possible as we silently wait for him,” sabi ng parokya na matatagpuan sa Masangkay Street.

“And now, he has given this perfect gift to our parish as we also prepare for the celebration of our 90th anniversary in March 2023,” saad pa sa post.

Nilagdaan noong November 30 ang decree ngunit ngayong December lamang isinapunliko ang anunsyo.

Noong unang bahagi ng 1930s, ang pagtotroso at woodcraft ay kilalang paraan ng kabuhayan ng mga taong naninirahan sa lugar.

Ang Trozo, ang Espanyol na pangalan para sa mga troso, ay inilakip sa parokya upang makilala ito sa iba pang mga parokya na may parehong pangalan at patron saint.

Ayon sa archdiocese, ang mga magtotroso ay nagpapasalamat sa Diyos sa kanilang pag-unlad sa negosyo kaya nagpasya silang magtayo ng kapilya.

Si San Jose ang karpintero ng Nazareth ang piniling patron upang maging tanda at bigyan ng kahulugan at inspirasyon ang kanilang kabuhayan.

“Thus, the name San Jose de Trozo, which when paraphrased means ‘St. Joseph of the Lumberyard’ came into existence,” saad pa sa post.

Noong 1998, inalok ng archdiocese ang parokya sa Lorenzo Ruiz Mission Society (LRMS) na pangalagaan ang mga pangangailangang pastoral ng lumalaking populasyon ng mga Filipino-Chinese sa lugar.

Sinabi ni Fr. Peterson Tieng, LRMS, ang kasalukuyang pari ng parokya. Jocelyn Tabangcura-Domenden