San Juan Mayor Zamora kinwestyon ang datos ng DOH sa COVID-19 cases

San Juan Mayor Zamora kinwestyon ang datos ng DOH sa COVID-19 cases

July 15, 2021 @ 11:33 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kinwestyon ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang datos ng Department of Health ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

“It’s really because of their reporting system ‘yung tinatawag na COVID KAYA reporting system. Sapagkat minsan hindi nave-verify nang mabuti ang datos that is why nagkakaroon ng discrepancies,” giit ni Zamora sa isang panayam sa GMA News.

Inamlmahan ng alkalde ang datos ng DOH na nagsasabing ang San Juan City ay kasama sa walong lungsod sa NCR na tumataas ang kaso ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo.

Punto nito na dapat makipag-ugnayan ang DOH sa mga lokal na pamahalaan dahil ilan sa mga ito ay kinikwestyon din ang datos ng kagawaran.

Nitong Miyerkoles, 75 ang bagong kaso ng COVID-19 sa San Juan City na ayon sa alkalde ay mas mataas ang naitala ng DOH. RNT/ELM