San Pablo City sa Laguna isinailalim state of calamity sa pinsala ng bagyong Paeng

San Pablo City sa Laguna isinailalim state of calamity sa pinsala ng bagyong Paeng

October 30, 2022 @ 12:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Isinailalim ng local government unit ang San Pablo City sa Laguna sa state of calamity nitong Sabado sa pananalasa ni Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).

Ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ang resolusyon nitong Sabado na nagdedeklara ng state of calamity sa lungsod dahil sa pinsalang dulot ni Paeng, ayon sa San Pablo City Information Office.

Base sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), 33 barangay ang apektado ng severe tropical storm.

Ilang kabahayan ang totally o partially damaged, at naiulat din ang pinsala sa mga pananim.

Naitala rin ang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa malakas na hangin at ulan, batay sa CDRRMC.

Hanggang nitong Linggo ng umaga ay umiiral ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Laguna base sa PAGASA.

Inaasahan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, Mimaropa, Camarines Provinces, Western Visayas, at sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon ang light to moderate with at times heavy rains ngayong Linggo ng umaga, ayon pa sa weather bureau. RNT/SA