San Pablo-Lucena route ng PNR bubuksan bago mag-Hunyo 30

San Pablo-Lucena route ng PNR bubuksan bago mag-Hunyo 30

May 25, 2022 @ 7:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang buksan ng Philippine National Railways (PNR) sa mga pasahero ang ruta nitong mula San Pablo, Laguna hanggang sa Lucena, Quezon bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

“We already tested the Lucena to San Pablo [route]… before June 30, we will reopen,” saad ni PNR general manager Junn Magno sa virtual press briefing.

Ang PNR San Pablo-Lucena route ay 44-kilometer inter-provincial commuter railway na bahagi ng commuter train service papuntang Bicol na may mga istasyon at flag stops para sa arawang biyahe o mga short travels.

Matatandaang itinigil ang operasyon nito noon pang Oktubre 2013.

Samantala, sinabi ni Magno na posibleng hindi lalampas sa P100 ang pamasahe sa tren habang may travel time ito na isang oras at 15 minuto o isa’t kalahating oras. RNT/ JCM