Sandara, binalikan ang Pinas, nag-food trip!

Sandara, binalikan ang Pinas, nag-food trip!

August 3, 2022 @ 7:10 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – “Manila…I keep coming back to Manila.”

Ito ang ipinost ng Korean celebrity na si Sandara Park during her short yet sweet vacation sa bansa.

Hindi nga maitatanggi na itinuturing ni Sandara na ikalawang tahanan ang Pilipinas.

Nitong Martes, nag-post siya sa Twitter ng ilang litratong kuha sa kanyang bakasyon.

Kabilang dito ang inorder niya sa sikat na fastfood chain sa atin which consisted of one piece fried chicken, spaghetti and french fries.

Nilakipan niya ito ng caption na, “Grabe…sarap…hindi ako small eater pag nandito ako sa Pilipinas.”

In her previous tweet, sinamahan pa niya ng Philippine flag emoji ang post niya.

Kung tutuusin, bumisita lang si Sandara sa atin para suportahan si Bambam sa katatapos lang na 2022 K pop Masterz concert but she ended up performing with him on stage.

Samantala, pinuri rin ng talent manager na si Lolit Solis si Sandara sa pagiging maalalahanin  nito.

Na-touch si Lolit nang makipag-ugnayan ito sa kanya nang malamang naospital siya. Ronnie Carrasco III