Sandro proud sa Kamara, ‘productive institution’

Sandro proud sa Kamara, ‘productive institution’

December 16, 2022 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Proud at tinawag pang isang ‘productive institution’ ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos ang House of Representatives.

Ito ay sa pamamagitan ng kanyang Facebook post na idinirekta niya sa kapwa mga mambabatas matapos ang pagiging abala ng mga ito sa nagdaang mga linggo.

“And just like that Congress has gone back into recess! Thankful for the leadership of Martin Romualdez and for my colleagues in the house. Proud to be part of this productive institution!” ani Marcos sa post niya nitong Huwebes, Disyembre 15.

Kahapon ang huling session day ng Kamara sa 2022 at magbabalik ang mga ito sa Enero 23, 2023 na.

Umabot sa 19 na priority bills ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanilang dininig at naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa.

Ang 19 na panukalang ito ay bahagi ng Common Legislative Agenda (CLA) ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). RNT/JGC