Sanggol, 4 pang Pinoy patay sa New Zealand deadly crash

Sanggol, 4 pang Pinoy patay sa New Zealand deadly crash

June 23, 2022 @ 8:37 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Wellington na limang Pinoy ang nasawi sa New Zealand car crash.

Dalawa namang Pinoy ang nakaligtas, habang ang isa ay kritikal.

Pauwi na sana ang siyam na biktima mula sa libing nang bumangga ang kanilang van sa isang trak sa kahabaan ng State Highway 1, Mount Pleasant sa Marlborough.

Ayon sa mga ulat, kabilang sa mga namatay ay isang sanggol.

Sa isang pahayag, sinabi ng embahada na nakipag-ugnayan na ito sa mga lokal na awtoridad mula nang matanggap ang ulat mula sa New Zealand Interpol noong Linggo ng umaga.

Binisita ng mga kawani ng embahada ang mga nakaligtas upang mag-alok ng tulong at ipaabot ang kanilang pakikiramay. RNT