Sanggol isinilang sa firetruck sa kasagsagan ni ‘Paeng’

Sanggol isinilang sa firetruck sa kasagsagan ni ‘Paeng’

October 30, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isinilang ang isang sanggol na lalaki sa loob ng isang firetruck sa Casiguran, Aurora, nitong Sabado ng gabi, habang bumabayo ang tropical storm Paeng sa Luzon.

Nakatanggap ng tawag ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Casiguran bandang alas-6 ng hapon hinggil sa isang babae na manganganak na sa Barangay Dibacong, ayon sa ahensya nitong Linggo ng umaga. Agad itong nagpadala ng firetruck upang sunduin ang babae at dalhin ito sa pinakamalapit na ospital.

Subalit “the lady felt the baby come out a few minutes after the firetruck started,” ayon sa BFP.

“The pregnant woman was properly laid down in the firetruck until she gave birth to a healthy baby boy,” dagdag nito.

Dinala ang mag-ina sa Casiguran District Hospital. RNT/SA