Sanggol isinilid sa eco bag, iniwan sa tindahan

Sanggol isinilid sa eco bag, iniwan sa tindahan

October 11, 2022 @ 10:27 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinaghahanap na ng pulisya ang taong nag-iwan ng eco bag na naglalaman ng bagong silang na sanggol sa labas ng convenience store sa bayan ng Dauis, Bohol noong Lunes.

Dakong alas-5:30 ng umaga nang makatanggap ang pulisya ng tawag mula sa isang tindahan sa Barangay Bingag, ani Police Staff Sergeant Ritchel Pabalan, pinuno ng Women And Children Protection Desk sa Dauis Police Station.

Sinabi ni Riche Tuades, anak ng may-ari ng tindahan, na bubuksan niya ang tindahan nang mapansin niya ang isang eco bag.

Ang sanggol na babae, na pinaniniwalaan ng mga pulis ay nasa pagitan ng tatlo hanggang pitong araw.

Ipinunta ang sanggol sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Ang pulisya ay kasalukuyang naghahanap ng mga saksi, at CCTV video. RNT