Sanggol kinatay ng tiyahin

Sanggol kinatay ng tiyahin

July 9, 2021 @ 11:42 AM 1 year ago


KORONADAL CITY- KAAWA-AWA ang sinapit ng isang siyam na buwan sanggol matapos itong pagsasaksakin ng sariling tiyahin na umano’y may problema sa pag-iisip, iniulat kaninang umaga sa lungsod na ito.

Naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay nang makita ang sanggol na babae sa loob ng bahay nito sa Purok Tagumpay, Barangay General Paulino Santos, ng naturang lungsod.

Kasalukuyan naman nakakulong sa Koronadal –PNP ang suspek at tiyahin ng biktima hindi pinangalanan na siya rin mismong bantay sa biktima.

Ayon kay Kagawad Danilo Delos Santos ng Barangay GPS, bago ang krimen napansin ng kaanak ang suspek na wala sa katinuan at sinasaktan nito ang sarili.

Makalipas ang ilang oras, nagulantang na lamang sila ng makita ang sanggol na pinagsasaksak ng suspek gamit ang kutsilyo.

Nabatid, na ang ina ng sanggol ay isang Overseas Filipino Worker (OFW).

Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung paano nawala sa katinuan ang suspek at nagawa nito ang krimen./Mary Anne Sapico