Sanggol lapnos ang balat sa sunog dahil sa napabayaang kandila

Sanggol lapnos ang balat sa sunog dahil sa napabayaang kandila

February 28, 2023 @ 9:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Lapnos ang balat ng dalawang buwang gulang na sanggol matapos na masunog ang kanilang bahay sa Passi, Iloilo bunsod ng naiwang nakasinding kandila.

Sugatan din ang ina ng paslit na pinilit iligtas ang sanggol.

Base sa imbestigasyon, sandaling umalis ang nanay para bumili sa tindahan. Naiwan ang sanggol kasama ang pitong taong gulang na kapatid nito sa bahay.

Nagising ang nakatatandang kapatid nang maramdaman ang sunog na agad namang humingi ng saklolo sa kanilang kaanak.

Dali-dali namang pinasok ng nanay ang kanilang nasusunog na bahay para iligtas ang sanggol. RNT