Sanggol, may tama ng itak sa mukha, natagpuan sa Leyte

Sanggol, may tama ng itak sa mukha, natagpuan sa Leyte

August 7, 2018 @ 7:24 AM 5 years ago


 

Leyte – Natagpuang nakabalot sa isang plastic bag at may malaking sugat sa mukha ang isang bagong silang na lalaking sanggol sa Leyte.

Ayon sa imbestigasyon, natagpuan ang sanggol ng isang residente sa Baybay City noong Biyernes habang ito ay naglilinis ng kaniyang bakuran.

Tila tinapon ang sanggol na parang basura dahil nakabalot pa ito sa palastic bag. Nang buksan ng residente ang plastic bag, dito nakita ang malaking sugat nito sa mukha na parang tinamaan ng itak.

Agad naman sinailalim sa operasyon ang sanggol sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) sa Tacloban City Lunes ng umaga.

“Nang buksan ‘yung garbage bag, may lacerated wounds sa facial area at saka exotal area kaya dinala sa hospital sa Baybay at binigyan ng paunang lunas,” sabi ni Dr. Jayzel Tenedero ng EVRMC.

Maayos na ang kalagayan ng sanggol na pinangalanan ng mga doktor na Augustos Carrie.

Dadalhin sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sanggol kapag inilabas na ito sa ospital.

Patuloy naman na iimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente. Remate News Team