Sanggol na ibinenta ng inang lulong sa e-sabong, nasagip ng NBI

Sanggol na ibinenta ng inang lulong sa e-sabong, nasagip ng NBI

March 22, 2022 @ 7:47 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nasagip na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation nitong Martes ang sanggol na ibinenta ng kaniyang sariling ina matapos na mabaon sa utang dahil sa “e-sabong”.

Una rito, kumalat sa social media ang panawagan ng ina ng siyam na buwang sanggol na si baby “Miracle” na umaming ibinenta ang anak kapalit ng perang pambayad sa utang.

Ibinenta niya ang sanggol sa halagang P45,000 sa taong naka-transaksyon lamang niya sa Facebook.

Nangyari ang bentahan sa Quezon City noong Marso 3.

Pagkauwi ng bahay ay bigla umanong nagbago ang kanyang isip at agad na tinawagan ang nakabili sa kanyang anak pero hindi na niya ito makontak. RNT/ JCM