Sanggol nabitawan sa motor, pisak sa trak

Sanggol nabitawan sa motor, pisak sa trak

December 1, 2022 @ 12:08 PM 2 months ago


Negros Occidental, Philippines – Patay ang isang pitong-buwang sanggol na nahulog mula sa motorsiklo habang hawak ng kanyang ina, at pagkatapos ay nasagasaan pa ng kasunod na dump truck sa bayan ng Binalbagan.

Sa imbestigasyon, nag-overtake umano ang motorsiklo na minamaneho ng ama sa sinusundang truck pero nawalan ito ng kontrol dahil sa biglang tumawid umanong babae.

Dito na natumba ang motorsklo saka nabitawan ng ina ang bata at pagkatapos ay nagulungan ng trak.

Nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng truck, habang wala nang plano ang pamilya ng sanggol na magsampa ng kaso laban dito. RNT