Sanggol patay matapos malunod sa Navotas

Sanggol patay matapos malunod sa Navotas

October 25, 2022 @ 5:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patay ang siyam na buwang sanggol na lalaki matapos malunod sa Navotas City, kaninang umaga.

Sa report ni PCpl Billy Godfrey Aparicio kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, katabing matulog ng 29-anyos na amang mangingisda ang kanyang tatlong anak sa tinutuluyang bahay sa 31 F. Cruz St., Brgy. Tangos North dakong alas-10 ng Lunes ng gabi.

Nang magising ang ama dakong alas-6 ng Martes ng umaga, October 25, 2022 ay napansin niya na wala na sa kanilang tabi ang kanyang bunsong anak na lalaki kaya hinagilap niya sa paligid subalit, hindi niya nakita.

Hinanap na rin nila ang sanggol sa buong lugar hanggang sa makita nila ang katawan ng biktima sa isang sirang pader na nakababad sa tubig at walang malay.

Kaagad nilang isinugod ang sanggol sa Navotas City Hospital subalit, idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician. Boysan Buenaventura