Sanggol patay sa lasing na drayber ng van

Sanggol patay sa lasing na drayber ng van

August 2, 2022 @ 12:00 PM 1 week ago


ISABELA- Maagang binawian ng buhay ang 1-taong gulang na bata habang sugatan ang pitong iba pa matapos silang masalpok ng pampasaherong van Lunes sa bayan ng San Mateo.

Dead-on-arrival nang dumating sa ospital ang batang hindi pinangalanan habang ginagamot naman ang pitong katao na nasugatan sa aksidente.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng UV Express van na kinilalang si Jose Bricia, 52-anyos.

Batay sa report ng San Mateo Police Station, naganap ang insidente sa kahabaan ng kalsadang sakop ng Barangay Dagupan, San Mateo, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon, binabaybay ng tricycle ang nasabing lugar na minamaneho ni Kim Paul Apostol, residente ng San Andres Cabatuan Isabela ng bigla na lamang umagaw ng linya si Bricia.

Dahil dito sinalpok niya ang tricycle at tumilapon ang mga sakay nito kabilang ang bata na naging sanhi ng agaran kamatayan nito.

Dinala naman sa ospital ang biktima kasama si Bricia at nadiskubreng nasa impluwensya ito ng nakalalasing na alak habang nagmamaneho.

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang suspek. Mary Anne Sapico