Sanggol patay sa pinaglaruang baril ng 8-anyos

Sanggol patay sa pinaglaruang baril ng 8-anyos

June 29, 2022 @ 9:57 AM 2 months ago


WASHINGTON – Binaril ng isang walong taong gulang na batang lalaki ang isang sanggol at nasugatan din ang kanyang paslit na kapatid sa nilarong baril ng kanyang ama sa Florida noong weekend, sabi ng pulisya.

Kinilala ang inarestong 45-anyos naama na si Roderick Randall, na kinasuhan din ng culpable negligence, unlawful possession of a firearm at concealment of evidence, sabi ni Escambia County Sheriff Chip Simmons.

Naganap sa trahedya sa isang motel kung saan si Randall, na may criminal record na nagbabawal sa kanya sa pagmamay-ari ng baril, ay nakipagkita sa kanyang kasintahan.

Dinala niya ang kanyang anak, habang ang kanyang kasintahan ay nagdala ng kanyang dalawang taong gulang na kambal at ang kanyang isang taong gulang na anak na babae.

Sa isang punto, lumabas si Randall at iniwan ang kanyang baril “sa closet”, sabi ng sheriff sa isang press conference. Dahil alam kung saan ito nakatago, inilabas ito ng kanyang anak at sinimulang laruin habang natutulog ang ina ng mga babae.

“He pulls the gun from the holster, starts playing with it and fires a round into the one-year-old toddler, ultimately killing the one year old. The bullet then goes through and strikes one of the two year old toddlers who’s injured but is expected to recover.”

Pagbalik ng ama, kinuha niya ang baril at isang hindi pa nakikilalang substance na maaaring droga, sa labas ng silid bago dumating ang mga pulis.

“Every year, hundreds of children in the United States gain access to unsecured, loaded guns in closets and nightstand drawers, in backpacks and purses, or just left out,” ayon sa pinakahuling ulat ng Everytown For Gun Safety.

“With tragic regularity, children find these unsecured guns and unintentionally shoot themself or someone else.”Ā  RNT