Sanggol, pugot-ulo; ama kinatay ni utol

Sanggol, pugot-ulo; ama kinatay ni utol

June 29, 2022 @ 1:13 PM 1 month ago


SURIGAO DEL NORTE – Putol ang ulo ng walong buwan na batang babae at tadtad ng taga ang ama matapos silang pagtatagain ng sariling kapatid ng huli na may problema sa pag-iisip, Martes sa Surigao del Norte.

Naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay ng matagpuan ang mag-amang Johnny Avila Sequira, 23-anyos, wala na rin ulo ang anak nitong babae, kapwa residente sa Purok-Mabuhay, Barangay Matin-ao, Mainit, Surigao del Norte.

Naaresto naman ang suspek sa ginawang manhunt operation ng Mainit Municipal Police Station sa Surigao del Norte na kinilalang si Fred Avila Sequira, 33-anyos.

Batay sa report ng Mainit –PNP, Martes ng hapon naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mag-ama.

Ayon sa saksi nakita nila ang suspek na lumabas ng kanilang bahay bitbit ang itak na may bahid ng dugo at naglakad patungo na bulubunduking bahagi ng naturang lugar.

Dali-dali naman tinungo ng saksi ang bahay ng mag-ama at dito bumulaga sa kanyang harapan ang mga bangkay kaya agad siyang humingi ng tulong sa pulisya.

Sinabi naman ng mga kaanak na may sinusumpong ng sakit ang suspek lalo na kapag nalilipasan ng gutom.

Sa ngayon nakakulong sa lock-up cell ng Mainit-PNP ang suspek at nahaharap dalawang kasong pagpatay./Mary Anne Sapico