Sangguniang Panglungsod building sa Davao City ikinandado

Sangguniang Panglungsod building sa Davao City ikinandado

May 29, 2021 @ 11:15 AM 2 years ago


Davao City – Isasailalim sa pitong araw na lockdown ang buong Sangguniang Panglungsod building ng lalawigang ito mula Mayo 31 hanggang June 6 para sa mandatoryo COVID-19 testing sa mga empleyado nito.

Kasama na rin dito ang mga sumusunod:

  • City Treasurer’s Office

  • City Assessor’s Office

  • Business Bureau

  • City Civil Registrar’s Office

  • Vice Mayor’s Office

Sa ipinalabas na memorandum order no. 10 ni Vice Mayor Sebastian Duterte, inaatasan ang lahat ng empleyadong ng Sangguniang Panglungsod sa mandatory swab testing ngayong Linggo May 30 dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID case sa lugar.

Kasalukuyan namang nasa 1,381 ang aktibong kaso sa siyudad. RNT/FGDC