Sangkot sa audio clip na nagbababala vs total lockdown tinutunton na ng NBI

Sangkot sa audio clip na nagbababala vs total lockdown tinutunton na ng NBI

January 10, 2022 @ 6:40 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagtunton sa mga indibidwal na sangkot sa audio clip warning ng total lockdown, base kay Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Lunes.

“The NBI has started tracking these purveyors of false information and will arrest them if found,” pahayag ni Guevarra.

“They will be charged, among others, with unlawful use of publication and unlawful utterances under the Revised Penal Code, in relation to the Cybercrime Law,” giit pa niya.

Nauna nang nilinaw ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na “false and baseless” umano ang naturang isyu sa recording.

Batay sa audio clip, posible umanong magdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng total lockdown sa  buong bansa sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Hinikayat naman ni Guevarra ang publiko na huwag nang ipakalat ang voice clips.

“I ask netizens to stop sharing these voice clips to prevent alarm, panic buying, and hoarding of essential goods,” aniya. RNT/SA